Buscalan, Kalinga: Road to Apo Wang-Od

June 1st – isa sa mga importanteng araw sa buhay namin. LOL!  We’re celebrating 2 special occasions – Moo’s Birthday and our anniversary, kaya kelangan laging memorable. Haha! Every year, laging nasa tubig yung celebration namin, beach or pool lang dahil adik sa swimming e. This time, maiba naman, pumunta kami sa kabundukan ng Kalinga to experience their way of living and syempre to meet the legendary Apo Wang-Od, the last Master Mambabatok (traditional tattooist) in the Philippines.

We took the Manila-Tabuk-Buscalan route. 8:30pm yung last trip ng Victory Liner Bus sa Kamias Terminal and 9:45pm naman kung sa Sampaloc Terminal. We chose the 8:30pm schedule para maaga kami makarating ng Tabuk at maabutan ang first trip going to Buscalan.

GOPR0004
Tabuk Bound, first class Victory Liner bus. May CR yan sa loob. Hihihi 😀

GOPR0005-1
..at may free peanuts, brownies and water!

After 10hrs travel time, we arrived at Tabuk. Sabihin nyo sa driver na papunta kayo ng Buscalan para alam nila kung saan kayo ibababa. Samin kasi, hindi namin sinabi pero nahulaan ng driver kung saan kami papunta. hahah! Kung hindi nyo naman masabi sa driver, may landmark naman dun. Yung St. Williams Cathedral then sa tapat nun merong Police Station, malapit na dun na yung terminal ng mga jeep or bus with  Bontoc signage, sakay lang kayo dun at sabihin nyo na ibaba kayo sa Bugnay Turning Point. Around 7am  ang first trip dun then last trip is 11am na yata.

GOPR0010.JPG
 St. Williams Cathedral in Tabuk

DCIM100GOPROGOPR0014.Top loading to Bugnay – almost 3hrs sya dyan sa taas! Ang init pa naman. Hahah!

Yung 3hrs parang naging 3 and 1/2 hrs. Hahah! Ang daming stop over ni kuya e. Tapos may stop over din kami sa kainan. Tanghali na din kasi kaya kumain muna yung driver at ibang pasahero. Kami, syempre hindi na. Haha! Tipid-tipid ulit pag may time.

10:30am kami nakarating sa Bugnay at dito palang, wala ng signal ang lahat ng networks! Hindi ko alam paano itetext yung guide namin na si Kuya Oliver, pero halos lahat ata ng mga tao dun magkakakilala naman. Pumunta kami sa isang tindahan at tinanong nila kung sino ang aming guide at nung sinabi namin na si Kuya Oliver, agad nila itong pinatawag kaso hindi nila mahanap. Haha! Hindi na namin sya inantay at hinatid na kami ng habal-habal papunta sa jump off point. Dito na din kami nagkita ng aming guide, then start na ng 1hr na trekking. Ok, goodluck!

DCIM100GOPROGOPR0057.Welcome Buscalan Tattoo Village!

GOPR0015-2Habal-habal ride going to jump off point.

GOPR0015-3
Start of our trekking! 

WARNING: Hindi ito para sa mga tamad na tao like me. LOL!

Hindi ako pala-bundok na tao kaya first time ko yung ganito katagal na trekking sa katanghaliang tapat pa!  Wala din kaming mga gamit sa pamumundok, floaters at snorkeling gears lang meron kami. Hahah! Sa unang bundok, ok pa yung trail e, patag pa yung daan kahit makipot at bangin na yung katabi. Kelangan focus ka lang sa paglalakad dahil konting pagkakamali lang, goodbye na sayo.

Pagkatawid namin sa kabilang bundok, nadaanan namin yung mini waterfalls nila dito. Wala kaming picture dun dahil ang nasa isip lang namin ay makarating agad sa Butbut Tribe. Dito na din ang simula ng paakyat na trail. Umpisa palang, pinahirapan ako agad. Hahah! Habang paakyat kami, nag magaling ako, inunahan ko yung guide nang bigla syang sumigaw ng “Ma’am, baba! Baba!” Sa boses palang nya, alam ko na kung bakit pero dahil sa nerbyos at walang presence of mind, umakyat ako ulit instead na bumaba. Hahah! Kaya sumigaw sya ulit – “Baba, ma’am!!” Nakababa naman ako at tama nga ako, may nakita syang ahas. Cobra daw na handa ng manuklaw. Unfortunately, hindi nya napatay yung ahas. Ewan san lupalop ng talahib nagsuot yun.

Nagpatuloy kami sa pag-akyat pero hindi ko na kaya yung pagod (ang sipag ko kasi e. LOL!) at sobrang init, feeling ko mahihimatay ako dahil parang umiikot na yung paligid ko. Huminto muna ko at sa takot kong mahimatay, napa-ihi na ko sa pantalon. Hahaha! WTF talaga! LOL! Pinakain ako ng guide namin ng matamis at naghilamos ako ng mukha. Medyo nahimasmasan ako after nun. Matapos ang mahigit isa’t kalahating oras ng pa-hinto-hinto sa pag akyat, nakarating din kami ng Butbut Tribe at dumirecho sa bahay nila Kuya Oliver.

Swerte ko na dahil hindi ako nahimatay. Dahil sabi ng aming guide, may mga nahihimatay daw talaga dito sa init na din siguro at hirap ng pag akyat. Kaya ang ginagawa nila, binubuhat nila yung mga guest na hindi na kaya umakyat. Grabe ang hirap nun para sakanila! Saludo ako sa mga guide dito.

GOPR0015-6.JPG
Our lunch – Unlimited rice and unlimited Buscalan Coffee

Matapos kumain at magpalit ng mapanghing pantalon, pumunta na kami sa kubo kung saan ginagawa ni Apo Wang-Od ang kanyang Batok session. Ang pagbabatok ay isang traditional tattoo na ginagawa sa Buscalan, Kalinga. Gamit nila yung thorn ng Pomelo tree, stick at uling – yun ang pinaka ink nila.

Okay talaga kung weekdays kayo pupunta dahil wala masyadong tao. That time, 4 lang kami nagpa-batok. Wala si Grace bumaba daw sa Bontoc, si Apo Wang-Od lang at si Elyang ang nandun. Maya maya pa ay sinimulan na ni Apo Wang-Od ang pag-babatok kay Moo at ako naman sa apo ni Wang-Od na si Elyang. Crab design syempre ang aming pinili which means “Traveler”.

Nakaka-kaba talaga dahil madaming nagsasabing masakit. Pero nung andyan na, tolerable naman pala. Si Moo, hindi nakaramdam ng sakit kaya dalawa agad ang pinatattoo nya. Birthday e, pagbigyan na. Hahah! Matapos nyang magpa-batok kay Apo Wang-Od, ako naman ang sumunod na magpabatok sakanya at tama nga na mas magaan ang kamay nila Grace at Elyang kesa kay Apo.

Php500 ang singil ni Apo sa aming mga tattoo. Pwede na dba? Depende ata yun sa mood nya e at syempre sa design.  Nagrarange ito sa Php500-Php2000. Nagbigay din kami sakanila ng dalawang wipes at mga posporo. Magdala din kayo nun, malaking tulong para sakanila.

GOPR0020
Choose your designs!

GOPR0023
Moo’s first tattoo 

GOPR0023-9Second tattoo.

Tattoed by Elyang and Apo Wang-Od

GOPR0029
Compass and Crab design for Moo and mine is also a Crab design. 

GOPR0023-18-1
Tattoo After Care

After our Batok session, nagpapila na kami ng mga bata para sa aming giveaways. Time to share our blessings! Maganda din kasi na magdala kayo ng mga candies sa mga kids dun pero mas maganda kung mga gamit sa school or mga biscuits ang ibibigay nyo.

GOPR0023-18-2Our giveaways for the kids of Butbut Tribe!

DCIM100GOPROGOPR0080.The birthday boy with the Buscalan Kids. 

GOPR0025
Yung mga baboy nila dun, parang aso lang at ang dami! Haha!

Maaga kaming nag-dinner at natulog dahil sa sobrang pagod. Pero dahil brownout sakanila, hindi kami masyado nakatulog ng maayos dahil sa dami ng lamok. Kaya don’t forget to bring insect repellent. Dahil din sa mga tattoo namin sa likod kaya hindi din kami makahiga ng maayos. Hahah!

Kinabukasan, nagcoffee kami sandali at naligo. Si Moo lang pala ang naligo, hindi ko kasi kaya yung lamig ng tubig e kaya half bath lang ako. Hahah! Matapos ay nagpasalamat na kami sa pamilya ni Kuya Oliver at binigay ang mga posporo na dala namin. 7am nagsimula na kaming bumaba. Mas mabilis yung pagbalik namin, dahil pababa e. Medyo madulas nga lang dahil umulan nung gabi.

Pwede kayo bumili ng coffee nila for Php100 only, isang plastic na yun. Sulit talaga!

GOPR0094
Uwian na!!

GOPR0088.JPG
with our guide, Kuya Oliver 

Pagbalik namin sa jump off point, sumakay na ulit kami ng habal-habal pero swerte dahil maiksi lang ang byahe namin, may nag-aabang na kasing jeep pa-Bontoc kaya dun na kami sumakay. Hindi na din kami siningil ng mga driver ng habal-habal.

Yung pabalik namin ng Manila, we took the Buscalan-Bontoc-Baguio-Cubao route. 9:00am umalis yung jeep na sinakyan namin sa Bugnay then after 1 and 1/2 hr, we arrived in Bontoc. Sumakay ulit kami ng GL Trans Bus going to Baguio, another 5 hours travel time. Pag dating sa Baguio, kumain muna kami sa Cafe by the Ruins then diretso na sa Victory Liner Terminal and as usual, back to reality!

DCIM100GOPROGOPR0093.Our signature pose with the view from Butbut Tribe in Buscalan, Kalinga.

Ibang klase ang Buscalan trip na ‘to. First, dahil bagong experience ang pagtre-trekking, second, the best ang unlimited coffee ng Buscalan. MUST TRY talaga and lastly, sobrang honored kami dahil na-meet namin ang the living legend na si Apo Wang-Od. Sana nga ay i-hail sya as National Artist dito sa Pilipinas. Napaka-swerte at napaka-sayang magpabatok sa isang 98 years old na tattoo artist, pero mas masaya dahil hindi ako nabatukan ng nanay ko paguwi namin dahil sa bago kong tattoo. Hahah!

 

bos sig
Manjabara, Apo Wang-Od! 😀

 

ITINERARY and EXPENSES:

Video: Buscalan, Kalinga

Day 0:

8:30pm – Depart for Buscalan via Tabuk

Day 1:

7:00am – Arrival in Tabuk / ride jeep with Bontoc signage
10:30am – Alight in Bugnay Turning Point / ride habal-habal
10:45am – Arrival in jump off point / meet kuya Oliver
11:00am – start trekking
12:30pm – Arrival in Butbut Tribe / register
1:00pm – Lunch / rest
2:00pm – Tattoo session
3:30pm – Gift giving
5:00pm – explore Butbut Tribe
6:30pm- Dinner
7:30pm- Rest

Day 2:

6:00am – wake up /prepare
7:00am – start to descend
7:45am – Arrival in jump off point / ride habal-habal
9:00am – Jeep to Bontoc
10:45am – Arrival in Bontoc / ride GL Trans Bus
11:00am – Bus to Baguio
4:30pm – Arrival in Baguio
5:00pm – early dinner in Cafe by the Ruins
6:00pm – Taxi to Victory Liner
7:20pm – Bus to Cubao via SCTEX
1:30am – Arrival in Cubao

 

Victory Liner Bus to Tabuk (First Class)- 825
Jeep to Bugnay – 150
Habal-habal – 100
Guide – 1,000 for 5pax (fixed rate) 500
Accommodation – 250
Environmental fee – 75
Tattoo – 500
Jeep to Bontoc – 100
GL Trans Bus to Baguio – 215
Taxi to Victory Liner – 51
Victory Liner Bus to Cubao (Deluxe)- 445

TOTAL: Php 3,211 – (food not included)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: