5-Day Backpacking in Caraga Region

Butuan-Surigao-Siargao Itinerary and Expenses
Video: Surigao del Sur and Surigao del Norte
Video: Siargao Island

Feb.27-March 2, 2016 Butuan-Surigao-Siargao – Our 5-day backpackin in Mindanao. Sa lahat siguro ng pinuntahan namin sa Pilipinas, dito ako pinaka-nahirapan gumawa ng itinerary. 4d3n lang dapat ito pero dahil na-move yung flight namin pabalik ng Manila, naging 5d4n. Lucky us! Thanks, CebuPac.

Sabi nila, nung umulan daw ng magagandang lugar sa Pilipinas, isa ang Caraga Region sa sumalo nito. Hindi sya siguro nag-payong. hahaha corny, k bye! Well, totoo naman yun, dahil ang daming magagandang tourist spots dito.

DAY 1 – Butuan to Surigao del Sur

We arrived at Bancasi Airport at 5:45am. Kelangan maaga para makarami. Haha! First destination – Britania Group of Island.

How to get there?
Paglabas sa airport, madaming van na nagkalat, yung mga dispacher na mismo ang lalapit sayo. Sumakay kami ng van with Mangagoy sign then alight at Barobo Terminal. 2 hrs lang daw ang travel sabi ni manong driver, but it took us 4 hrs. Hindi ko alam kung ganon talaga yung byahe o dahil sa may diperensya sa makina yung van. Hahah! So, pagdating sa Barobo, sumakay kami ulit ng van with Tandag signage and we alight at Salvacion. Sabihin nyo lang “sa Salvacion Britania crossing” Pagdating sa Salvacion, sumakay kami ng tricycle to Brgy Britania then hinanap namin si Mang Rody, meron syang sariling bangka kaya mura yung island hopping namin. Php1,000 only! Ang usual price daw nila ng island hopping is Php1,500 kaya mas okay if direct ka sa bangkero. Bago kami mag island hopping, nagpaluto na kami ng lunch sa isang tindahan. We left our bags to Mang Rody’s wife and then off to island hopping!

Island Hopping: Boslon Island, Hagonoy Island, Naked Island and Hiyor-Hiyoran Island

After Britania Group of Islands, diretso na kami sa Hinatuan, dun kami mag-stay para sa Enchanted River kinabukasan.

How to get there?
Nag-antay kami ng mga 30mins ng bus or van sa Salvacion, oo, ganon katagal! Hahah! Sumakay kami ng van with San Franz signage then alight at Barobo Terminal. from Barobo Terminal, van ulit to Hinatuan Terminal. Pagdating sa terminal, nag pedicab kami papuntang Marky’s Hostel.

So, dun na nga kami nag overnight, rate is 400 for 2pax. fan room with common CR. Mabait yung may-ari ng hostel, may free drinks din sila (Coffee and Milo). o dba, daig ang mga mamahalin hotel? haha! Dinner namin, bumili lang kami ng ihaw-ihaw  kasi may rice pa kaming natira nung lunch. hahah!  tipid tipid pag may time.

DAY 2 – Hinatuan Enchanted River & Tinuy-An Falls

5:00am na! Nagising kami sa lakas ng ulan. Buti nalang pag alis namin bandang 5:30am, medyo nawala na yung ulan. Sumakay kami ng habal-habal ng aming guide na si Kuya Mark. 30mins. travel and finally nakarating na kami sa Hinatuan Enchanted River. Excited na ko sa makikita ko!

12791016_10153326065507611_1742815878060899859_n
The enchanting Enchanted River!

12794395_10153326065522611_6558040408741135342_n
My first reaction was “Shit, ang ganda!” (with goosebumps) seryoso yan. Haha!

Nakakakilabot talaga sa ganda! Iba talaga sya pag makita mo in real life. Dati kasi nagagandahan na ko pag nakikita ko sya sa mga pictures, pero pag andun ka na, panalo talaga! Best time pumunta dito is early  morning, yung tipong ikaw ang magbubukas. Haha! Nag-sidetrip din kami sa Sibadan Fish Cage, dito sana kami magbreakfast kaso medyo pricey kaya nakipag-meet nalang kami kay Brenda the Stingray.

Our guide, Kuya Mark with Brenda the Stingray.


Pagbalik ng boat namin sa Enchanted River, nag-swim kami sandali. Nagrent ako ng lifevest kasi kahit marunong ako mag-swim, nakakatakot pa din yung lalim nung Enchanted River. Wala pa nga daw nakaka-reach ng pinaka-ilalim nun. Pwede kayo mag-stay ng matagal para ma-witness nyo yung fish feeding nila dito. When the clock strikes at 12nn, pinapaalis yung mga tao sa river para pakainin yung mga fish nila. Hindi namin nakita ‘to kasi umalis na kami around 8:30am.

Bumalik kami sa hostel at kinuha ang mga gamit namin. Dahil didiretso na kami sa Tinuy-An Falls. Habal-habal pa din ni kuya Mark ang sasakyan namin. Sobrang rough road yung way pa-Tinuy-An Falls, kelangan ready ka sa butt-numbing-ride na ito. Kasi talagang nangalay yung pwet namin dito. Hahaha! 1hr yung travel from Hinatuan to Bislig then another 1 hr to Tinuy-An Falls

12814616_10153326068572611_904865246892959648_n
Tinuy-An Falls – The little Niagra Falls of the Philippines

Syempre, sa lahat ng falls na nakita, ito ang kakaiba! May 3 levels ‘tong falls, kelangan may kasamang guide pag umakyat sa 2nd and 3rd level. Pwede ka din mag-rent ng balsa for 50 pesos, para makalapit sa falls. Sabi nila, maganda din na pumunta dito ng maaga dahil may rainbow kang makikita.

Pagkatapos namin dito, hinatid kami ni kuya Mark sa Bislig Terminal. Pina-try nya kami sumakay ng tinatawag nilang “skylab”. Habal-habal din ito na may dalawang kahoy sa magkabilang gilid at dun, sabay kayong uupo ng kasama mo. Kelangan sabay, para balance.

12805686_10153326069902611_5966871499584001460_n
Skylab experience!

Pagdating ng Bislig Terminal, tinuro samin ni Kuya Mark kung paano pumunta ng Surigao City, dahil yun na ang next destination namin. Sabi nya, bumaba kami sa San Franz at meron na daw dun van diretsong Surigao City. Pero pagdating namin sa San Franz Terminal, wala naman. Kelangan talaga namin bumalik ng Butuan. Pero good thing na din na nag cutting trip kami. Kasi mas nakamura kami sa pamasahe. hahah! Kasi yung fare from Bislig to Butuan by van is Php250. If cutting trip, fare from Bislig to San Franz is Php90 then San Franz to Butuan is Php120. See the difference! 😀 Total travel time going back to Butuan is 4hrs. Then we travel another 3 hours from Butuan to Surigao City by van.

8pm when we arrived in Surigao City, nag stay kami sa RSY Pension. Had our dinner at Diners then tulugan na!

DAY 3 – Siargao Island

Malapit lang sa Port yung RSY Pension, walking distance lang. Maaga kami pumunta sa port para makaabot kami sa first trip ng boat going to Siargao Island. 5:00am yung first trip. Travel time is 3hrs.

Upon arriving in Siargao Island, hinanap namin agad si Kuya Bebot. Ang pinaka the best tour guide na, na-meet namin. Sya nagbigay samin ng accommodation sa Kesa Resort at winner dahil dun na din makikita ang famous Cloud 9 Boardwalk at surfing area ng Siargao.

Dalawang area yung pwedeng mag-surf. Beginners and Professional, Syempre dun lang kami sa beginners area, sa Professional area, mas malalim at mas matataas ang mga alon.

12794557_10153335030282611_154168700650322145_n
That’s Moo! 2nd time mag-surf kaya medyo marunong na. 

735130_10153335030627611_5320605726876061033_n
..and that’s me! 2nd time mag surf pero hindi pa din makatayo. Haha!

Mas masarap mag surf dito kesa sa Baler. Kaya siguro ito tinawag na “Surfing Capital of the Philippines.” Bato kasi yung ilalim, hindi sand. Tapos ang linaw na pa ng tubig.

After surfing, Island hopping naman! Naghabal-habal kami papuntang General Luna at dun pinakilala samin ni kuya Bebot ang bangkero namin na si Kuya Jose. Magkakalapit lang yung mga Islands, 15 mins away lang sila sa isa’t-isa.

 Naked Island, Daku Island and Guyam Island

Talagang wow! Words are not enough para i-describe kung gano kaganda dito. Haha! Kelangan puntahan mo talaga. Sa Daku Island kami kumain ng lunch. Dito rin kami naka-try kumain ng Saang. Must try ito pag pumunta ka ng Siargao.

That’s the Saang yung Shell (left photo) and ito na yung luto- Adobong Saang (right photo) Hindi namin binili yang 300 pesos, mahal e! hahah! Si kuya Jose na dumiskarte nun para samin, binigyan lang namin sya ng Php100

Pagkatapos ng island hopping, nag habal-habal ulit kami papunta naman sa Magpupungko Tidal Pool. Travel time is 1hr. by this time, wala ng pakiramdam yung pwet namin hahah!

1913540_10153335034912611_8233650298942838016_n
Ang bato na nakaupo/nakapatong sa isa pang bato. – Magpupungko. 😀

12804630_10153335033152611_8249538977570189858_n
..and here is the natural pool. Amazing dba?! 😀 Nakaka-miss!

Hayy.. na-inlove talaga ako sa Siargao Island. Panalo lahat ng activities namin dito. Talagang babalikan ko ‘to! hahah!

DAY 4 – Surigao del Norte: Bucas Grande Island and Sohoton Tour

Kinabukasan, nakipag-meet ulit samin si Kuya Bebot at hinatid kami sa sasakyan naming bangka going to Socorro Bucas Grande Island. Pinabaunan nya pa kami ng pang lunch namin! Ayos dba? Hahah! Kasi daw birthday nya. Napaka-bait talaga nya. May pabaon din syang sikat na tinapay ng Siargao-ang Pande Surf.

12821466_10153335511592611_526157479124812555_n
Pande-Surf, surfing board shaped pandesal. 😀

Sakay ulit ng bangka nila kuya Jose, bumyahe na kami papuntang Bucas Grande. Ang tagal ng byahe namin, 3hrs ulit. Buti nalang at hindi masyadong maalon kahit inulan kami. Bago dumiretso sa Sohoton Cove Tour, nag sidetrip muna kami sa Club Tarra. Ito yung high-end accommodation in Bucas Grande dahil siguro sa water cottages nila.

11313062_10153326070292611_7750732402221542793_o.jpg
Water cottages in Club Tarra

Sa kabila ng mga island dito, makikita na ang Sohoton, kumbaga sa kapitbahay, pader lang ang pagitan nila. hahaha! Pagdating dun, nagpa-register kami, nagbayad ng fees at start na ng Sohoton Cove Tour. Main activities dito yung Hagukan Cave, Makukuob Cave at yung encounter sa mga stingless jellyfish. Lumipat kami sa maliit na bangka, dahil sa entrance ng Sohoton Cove.

12791015_10153326071037611_607037271894139901_n
Sohoton Cove National Park’s entrance and exit. Pag sobrang high tide dito, hindi daw talaga makaka-daan.

12800296_10153326070857611_8444845241674834112_nWelcome to Sohoton Cove National Park!

Sa Makukuob Cave makikita yung mga stalagmites and stalactites, short climb lang naman ‘to pero ang exit nya, challenging! Kelangan mo tumalon ng mga 10ft. to the clear blue waters! Hahah! Kaya if you’re afraid of heights and can’t conquer your fear like me, think twice before entering the cave. hahah! Practice na ‘to para sa future canyoneering nyo sa Cebu. 😀

Untitled.jpg
Makukuob Cave’s exit point.

Lumipat kami ulit sa mas maliit pang bangka, yung wala ng motor. Magpapaddle nalang yung bangkero papuntang Stingless Jellyfish Sanctuary. Sabi nila, every April-May daw talaga naglalabasan ang madaming jellyfish dito. Since, March kami pumunta, hindi ganon kadami at dahil stingless nga, pwede mo ito hawakan. 😀

1.jpg
with the Stingless Jellyfish

Matapos ang lahat ng activities, nagshower kami at naglunch, bumalik sa bangka ni Kuya Jose at bumyahe na ulit pa-Hayanggabon Port. Hindi na kami lalabas ng Surigao Port kasi mas malayo dun. Ito 45mins. boat ride lang kung hindi maalon. Ang Original plan namin is babalik kami ng Surigao City to visit Mabua Pebble Beach pero dahil kulang na kami sa budget, we decided na bumalik na ng Butuan, so, from Hayanggabon Port, we ride a van going to Bad-As Junction. Almost 1 and 1/2 hour din ang travel, ang bagal kasi nung driver namin. From Bad-As Junction nag-van ulit kami pa-Butuan, another 3hours ulit.

Around 5:30pm na kami dumating ng Butuan, nagstay kami sa Prince Hotel. Malapit ‘to sa mga kainan, gutom na kami!

DAY 5 – Museum hopping in Butuan

Sabi nila, “In the beginning, there was no Philippines but there was Butuan” ang galing dba? Kaya sinumulan na namin ang museum hopping! First stop, Butuan National Museum. Ang malas pa namin, dahil brownout, pero nagtyaga yung guide dun na i-tour kami sa museum kahit madilim.

12795551_10153324157382611_3398457278776698378_n
Dito sikat ang mga taga Butuan, sa Balangays.

12828290_10153324158117611_6896096883176213311_o
Sundial. Pagsira yung clock nila, dito lang sila tumitingin ng time. Hahah! Aliw ako dito, first time ko kasi makakita nito. LOL!

Next and final stop – National Museum Balangay Shrine. Konti lang ng makikita dito parang limang piraso nga lang ata e.

12823397_10153324158372611_3170719870685548643_o
Oldest watercraft. Sobrang laki nito! Hindi lang masyadong makita sa picture.

Bumalik na kami sa hotel pagkatapos namin mag fieldtrip. Nagpack-up dahil ilang oras nalang, back to reality nanaman. Sa airport na kami nag-lunch at bumili ng mga souvenirs. Sa labas ng airport ha? Hindi sa loob. May mga karinderya dun tsaka nagbebenta ng souvenir.

Ito na yung pinaka-favorite naming trip dahil sa lahat ng challenges, pagod, gutom, puyat at saya na, na-encounter namin. Isama mo na ang mga iba’t-ibang anyong tubig at mahahabang byahe ng habal-habal. Hahah! Most specially, proud ako sa sarili ko kasi alam ng lahat na takot ako sa alon kaya hate na hate ko ang island hopping. Pero sa daming bangkang sinakyan ko sa trip na ‘to, immune na ko sa alon. WOW! Hahah!

Babalikan ko ang Siargao Island, napaka-ganda talaga! Pati na din ang hindi namin napuntahan na Mabua Pebble Beach. Thank you, Lord sa experience na ‘to. Panalo!

Advertisements

One thought on “5-Day Backpacking in Caraga Region

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: