El Nido: The Last Frontier

Thanks to the anniversary seat sale of Cebu Pacific last March 2015 and we got our
MNL-PPS roundtrip airfare for only PHP1,400 for 2 pax. We also got our private Tour A package with roundtrip van transfers from Northern Hope Tours that was 10,800 for 4 pax.

Okay, tama na ang english, let’s start!

Sabi nila, El Nido daw ang pinaka mahal na destination sa Palawan. But for us, ito yung pinaka-mura naming out of town trip. Haha! Nakahanap kami ng cheap accommodation – Marikit’s Pensionne for only 1,000/night fan room with breakfast good for 2 pax. Not bad dba?

Yung byahe from Puerto Princesa to El Nido is almost 6hrs by van. Zigzag yung daan, as in feeling ko mas zigzag pa kesa sa Baguio. haha! Pagdating namin, check-in agad sa hotel then pasyal na agad. We went to Marimegmeg beach, maganda daw kasi ang sunset dito. From El Nido town, sumakay lang kami ng tricycle, fare is 100 pesos roundtrip.

11224130_10153186405317611_8518681123367687015_o
Marimegmeg Beach

12360193_10153186405912611_1496496293186169580_n
Chillin’..  buhay senyora. 

980775_10153186405687611_54856920247937802_o
Pahinga muna while waiting for the sunset. 

Hindi ko maalala kung saan banda yung mga duyan na tinambayan namin. Basta may nakita kaming mga duyan at okay naman yung pwesto kasi malilim, kaya dun muna kami nag-antay habang wala pang sunset. Nung medyo palubog na yung araw, naglakad na kami papunta dun sa pwesto na maviview mo talaga yung sunset ng maganda. May restaurant dun sa pwesto na yun, kaso bago ka makatambay dun, kelangan mo muna mag-order kahit drinks lang daw. hahah! Nakakainis ano? Parang magbabayad ka pa para lang makita yung sunset. Hindi ko alam yung name ng resto pero nag-iisa lang yung restaurant dun. Nag order kami ng mango shake, buko juice and water, alang-alang sa sunset. haha!

920728_10153186406502611_6248336390192273328_o
Mango Shake and Buko Juice para sa sunset!

12370903_10153186406202611_6384445720953905642_o
Sunset in Marimegmeg Beach. Sulit naman yung inorder namin drinks dba? Hihih 😀

12371085_10153186406612611_8456034306131574701_o
Bongga!

Pagkagat ng dilim, bumalik na kami sa town at naghanap kung san okay mag dinner. Pinilit namin hanapin yung Bacuit Grill, grabe yung layo ng nilakad namin papunta dito. Hahah!

12371202_10153186406707611_6453834689551964633_o
Dinner at Bacuit Grill. Hindi ko na maalal yung mga inorder namin, pero masarap!

Rise and Shine! Island hopping na! So, kay Northern Hope nga kami kumuha ng package para sa Tour A (Small Lagoon, Big Lagoon, Secret Lagoon, Shimizu Island and 7 Commando Beach). Pumunta kami sa office nila at humiram din kami ng aqua shoes na 100 pesos/rent. Yung mga pang snorkeling, kasama na sa package nila, kasama na din ang lunch.

12370809_10153186406757611_3780132561880135347_o
Lowtide kaya malayo yung bangka namin. Lusong sa baha. Haha!

10560436_10153186406997611_3470005601573935131_o
Private boat, ayos!

First Stop – Small Lagoon. Dito, pwede ka mag-rent ng kayak papunta sa Small Lagoon, pwede ka din mag-swim kung magaling ka haha so, kami, nagrent kami ng kayak. 400/rent.

12375029_10153186407897611_579506659935523964_o
Sobrang linaw ng tubig! 

12375306_10153186407857611_1776539005221235539_o
Perfect!

Next stop-Big Lagoon. Ang malas namin dahil lowtide pa nung nagpunta kami, kaya yung boat hindi makapasok sa loob. Ang nangyari, kami yung nag-swim papunta sa Big Lagoon. Hahah! Medyo malayo din yung nilangoy namin at malalim. May mga fish pa dun na kung tawagin ay Territorial Fish, sabi ng guide namin na si kuya Nelson, nangangagat daw yun ng tao. Hahah! Parang aso lang, pero totoo! Kaya dapat, naka-float ka lang lagi.

12370939_10153186409197611_4068632518403222328_o
On our way to Big Lagoon

12322554_10153186409427611_4103069877582221934_o
Mga survivors! Hahah! Kapagod lumangoy ng malayo lalo na kung hindi ka sanay.

12322547_10153186409992611_8810980653820268487_o
Lowtide at Big Lagoon

Next is Secret Lagoon. Okay yung guide namin kasi alam nyang parami ng parami yung mga nag-iisland hopping, kaya sabi nya pumunta na kaming Secret Lagoon para hindi pa matao.

12374921_10153186410267611_3980982025335600048_o
Entering the Secret Lagoon, Secret sya kaya papasok ka lang sa butas para makita yung loob.  Haha!

12365923_10153186410512611_4875725441642698630_o
Inside the Secret Lagoon

 Next is Shimizu Island, dito na din kami magla-lunch. Sabi nila, dito daw maraming isda at magaganda corals kaya okay dito mag snorkeling. Pagdating namin sa Shimizu Island, para kaming na-comatose sa bangka. Habang nagpre-prepare yung guide namin para sa lunch, kami naka-tanga sa bangka. hahaha! Walang naka-isip samin na mag-snorkeling  except dun sa pinsan ko. Sya lang ang nakapag-snorkeling pero hindi naman nya naisip na hiramin ang GoPro para makapag-shoot under water. Hahah! Ang ending, hindi na kami nakapag-snorkeling, wala pang under water shots ng fish and corals. Saklap!!

12370703_10153186411922611_2390277397069047065_o
Our lunch – Fish, Crab, Pusit, Talong Pipino, Pakwan. PANALO!

After kumain, pumunta na kami sa 7 Commando Beach. Sobrang ganda din ng beach na ‘to. Payapa yung tubig, magandang buhangin, madaming coconut trees, may nagtitinda din ng mga Halo-halo, shakes, lahat ng malalamig! Tamang chill nalang pagkatapos ng buong araw na activities.

1957760_10153186412487611_1250834340270170391_o
Welcome to 7 Commando Beach

1622237_10153186413202611_6843939346923530447_n
Maganda. Maganda talaga!

12363218_10153186412617611_3678460580605895789_o
Free duyan. 

Around 5pm na kami natapos sa Island Hopping, bumalik kami sa hotel to freshen up, rest sandali then dinner time. Pumunta kami sa Squidos, dalawa pala yung branch nila. Isa sa may town, yung isa kelangan mag-tricycle. Dun nila kami pinapunta sa mas malayo nilang branch, kasi buffet daw dun. For only 250/head may unlimited crabs ka na! Hahah!

10454077_10153186413797611_4678556658637486987_o
Squidos Hilltop

12377526_10153186413837611_7497376118500786865_o
Okay yung food nila. Kung itototal parang naka-two boxes kami ng pizza at ilang kilong alimango. Hahah!

On our 3rd day, andyan na yung bagyo. Hindi ko maalala yung name, basta yun ang huling bagyo sa Pilipinas nung December 2015. Pero hindi kami mapipigilan sa pagpunta namin ng Nacpan-Calitang Twin Beaches. Si Kuya Nelson, guide namin sa island hopping, mabait sya at makwento. Swerte namin meron syang sariling tricycle kaya sya ang ni-rent namin papuntang Nacpan, 900 charge nya samin, roundtrip na yun. Almost 45 minutes din yung byahe namin. Buti nalang nakapag-island hopping na kami, kasi that day, cancelled lahat ng island hopping Tours A,B,C,D.

Sa Nacpan Beach ko unang nakita yung sobrang haba at lawak ng shoreline. Walang sinabi ang Boracay sa shoreline nila! The best talaga! Sobrang pino ng buhangin, pero dahil nga may bagyo, malalakas ang alon nung time na andun kami. I’m sure mas maganda pa ito kung walang bagyo.

12370866_10153186413942611_8624633534232856214_o
Mabagyong umaga at Nacpan Beach with our guide, Kuya Nelson

12371034_10153186414452611_2694620245268338022_o
Nacpan and Calitang – The twin beaches of El Nido

774581_10153186415012611_4999422211557770038_o
Walang makakapigil samin! Hahah!

Sad ng last day namin, dahil umuulan kaya pagbalik namin ng hotel, hindi na kami masyado naka-ikot sa town. Pinuntahan lang namin yung Taraw Cliff, pero hindi na din kami naka-akyat. Sinarado na dahil maulan. Mahirap mag-climb kasi madulas.

12371216_10153186415222611_2209782629356606140_o
Papicture nalang kay Taraw Cliff

That night, nag-dinner kami sa Altrove. Sikat ‘to dahil sa mga best seller nilang pizza and pasta. Waiting pag dating namin sa Altrove, ang dami foreigners din na nag-aantay. Pagpasok namin, kelangan mag-tanggal ng shoes or slippers. Hehe nakaka-aliw kasi nakapaa ka lang pagpasok ng resto nila.

12375295_10153186415282611_1257264368340961064_o
Picture muna with Moo’s friends – JP and Rica

Kinabukasan, it’s our flight back to Manila. Back to reality, tapos na ang bakasyon. Pero winner ‘tong El Nido namin kahit binagyo. Gusto ko bumalik para sa Island hopping Tour C. Yun daw ang the best sa mga tours nila kaya siguro yun ang pinaka-mahal. Haha! Gusto ko balikan ang Altrove at syempre ang Nacpan. Gusto ko masilayan ito ng hindi bumabagyo.

Buti pa yung magagandang lugar, pwedeng balik-balikan. Pero ang ex mo, hindi na.

ITINERARY AND EXPENSES

December 13-16, 2015

Day 0- MNL – PPS
Day 1- Marimegmeg Beach, Dinner at Bacuit Grill
Day 2- Island Hopping Tour A, Dinner at Squidos Hilltop
Day 3- Nacpan and Calitang twin beach, Dinner at Altrove
Day4- Back to MNL

Cebu Pac RT Airfare – 700 / head
Marikit’s Pensionne – 3000 for 3 nights for 2 pax (1500/head)
Private island hopping tour A, Van Transfer & Eco tourism fee- 10,800 for 4 pax (2700/head)
Aquashoes rent – 100/head
Kayak rental – 400 (200/head)
Tricycle to Nacpan – 900 roundtrip (225/head)
Tricycle to Marimegmeg – 100 roundtrip (25/head)
Parking fee at NAIA 3 – 1200 (300/head)
TOTAL: 5,750 / head (food not included)

 

 

 

 

Advertisements

One thought on “El Nido: The Last Frontier

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: