Sumilon Island: Glamping Experience

Pagkatapos namin sa Oslob Adventure, nagpahatid kami kay kuya Eboy sa Bancogon Port papuntang Bluewater Sumilon, 15 minutes boat ride lang. Dito kami magcecelebrate ni Moo ng anniversary at para ma-try na din ang tinatawag nilang Glamping.

11391408_10152836778427611_8232451850234385075_n
Approaching Sumilon Island. Yep, Bluegreen waters, no filter. 

Pagdating namin dun, hindi pa kami nakapag-check-in agad dahil inaayos pa daw yung tent namin. Dumating kasi kami dun around 10:00am. Feeling ko ayaw lang nila ng early check-in, kasi nakatulog na kami’t lahat sa reception area, pero hindi pa din nila kami pinapapunta sa tent namin. hahah! And then the buffet lunch was served, free na yun kasama sa accommodation. After kumain, dun lang kami pinag-check-in

Glamping short for Glamorous Camping, ibig sabihin magcacamping kami pero may mga bonggang gamit sa loob ng tent. May 2 single beds complete with toiletries, electricfan, in-tent bar with drinks and chichirya, cabinet and lampshade. Odba parang camping-campingan lang. hahah!

10338704_10152836778662611_569741032742965730_n
Glamping tents

1795765_10152836778822611_7855623998133300436_n
Ito yung tent namin, bongga dba? Hahaha!

11391108_10152836778667611_811213616073194355_n
In-tent mini bar, free na yan pwedeng i-take out. 

Kasama sa package namin yung buffet lunch, dinner and breakfast plus afternoon snacks! Free use of amenities na din nila, swimming pool and kayak. Free din humiram ng mga snorkeling gears except for the fins may bayad na, 50 or 100/rent.

Trekking is one of the activities in Sumilon Island, sobrang init lang talaga kahit 3pm na. Pero sulit naman yung view na makikita mo.

11350499_10152838539217611_2602573954137830366_n
Whoa! Amazing view!!

11350575_10152836778987611_2078311406962455533_n
Free use of Kayak. Nakakatakot lang wala kasing tao, parang may lalabas na crocodile any moment. LOL!

11391484_10152836779297611_2016124820859221557_n
Ganda! Sulit!

 The next day, nag snorkeling kami ni Moo kahit konti nalang yung time namin dahil pupunta na kaming Cebu City. Sulit yung pag snorkeling dito ang daming corals at mga isda, may nakita pa nga si Moo na baby shark, pero hindi na nya nakuhanan ng picture.

10313221_10152836779562611_2253016591918014178_n
Fishy-fishy!

   1898247_10152836779672611_7795007745745865609_n
Ang linaw ng tubig!

After ng snorkeling (Kahit bitin) nag breakfast na kami at nag-pack up na ng gamit. Sobrang enjoy kami sa Sumilon Island at sulit yung bayad! Hahah! Tag hirap na kami after ng adventure na ‘to.

This is part of our 4-day Dumaguete-Cebu Adventure

Advertisements

One thought on “Sumilon Island: Glamping Experience

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: