Negros Oriental: Dumaguete

Day 1 of our 4-day Dumaguete-Cebu Adventure – May 31 – June 3, 2015. One of our memorable trip, because it’s our first time to jump from one province to another.

Our flight was 5:20 in the morning, so, dumating kami ng 6:30am sa Dumaguete. Sabi nila, this is the best starting point if you’re going to Oslob, Cebu.

11429958_10152836443457611_5726335874364560006_n
Touchdown Sibulan Airport (first GoPro shot. hahah!)

Dumirecho kami agad sa hotel. We stayed at Hotel Palwa pero since maaga kami masyado, hindi pa kami pwede magcheck-in, kaya iniwan muna namin yung mga gamit sa reception area. (No picture of the hotel, hindi pa kasi ko travel blogger that time. Ngayon, feeling na. LOL!)

Naglakad lakad lang kami papunta sa mga tourist destination nila, malapit lang din naman kasi sa hotel at maaga pa naman, tamang-tama lang yung araw sa katawan. Hahaha! One of the tourist destination in Dumaguete is the Bell Tower, malapit lang ‘to sa St. Catherine of Alexandria. Syempre give thanks to the Lord muna and ask for guidance before anything else.

11406627_10152836443667611_247516121851010580_n
Dumaguete Bell Tower

Naglakad ulit kami papuntang Rizal Boulevard, ito yung parang Baywalk saknila. Kahit mainit, pinilit namin hanapin yung “I heart Dumaguete” nila. Hahaha kasi pag hapon na baka marami na nagpapa-picture.

11393246_10152836443762611_597434992177577373_n
Finally, we found it! Odba wala pang mga tao! I heart Dumaguete (sa katirikan ng araw)

Next is Siliman University.  Yung mga faculty rooms nila medyo creepy, ang tahimik kasi tsaka wala masyadong tao aside dun sa mga nag-jojogging. Malawak yung school parang U.P Diliman. Buti nalang din pwedeng pumasok sa loob, Sunday kasi nun, walang pasok. Kelangan mo lang mag-iwan ng ID sa guard.

11392790_10152836444067611_4748220782865939342_n
Siliman University

After nun, pumunta kami sa Alta Tierra. Sumakay na kami ng tricycle kasi medyo malayo na sya, mga 30-45mins din. Ang fare ata namin is 300 roundtrip na. Entrance fee is 50 pesos / head. Consumable naman ‘to sa restaurant nila pero hindi na namin ginamit kasi parang wala naman kami mabibili sa 50php. Haha.

Yung lighthouse lang hinabol namin dito. 

at dahil wala kaming breakfast, nag brunch nalang kami sa Hayahay. Pero sa sobrang aga pa din namin, nag-antay pa kami ng 15mins, sarado pa kasi sila. hahah!

10440958_10152836444542611_847934387622243474_n
Inihaw na Pusit, Buttered Shrimp and Baked Scallops

Tanghaling tapat na kaya sumakay na kami ng tricycle pabalik ng hotel. This time, nakapag-check in na kami at nag nap muna, recharge para sa bakbakang foodtrip ulit mamayang hapon.

Pagkagising, start na ulit ng walkathon sa town. Hinanap namin yung Sansrival Bistro. Based on the blogs that I’ve read, masarap daw ang Silvanas at Sansrival dito. Pagdating namin, hindi available ang mga best seller nila. Buti nalang at hindi kami agad lumabas dahil after 10mins siguro, biglang nagkaron na. Hahah!

Sansrival and Silvanas (winner yung Sansrival!)

Tumambay ulit kami sa Rizal Boulevard, lowtide na kaya pala ang daming locals na nangunguha ng mga Sea Urchins at baby crabs. Naki-usi kami sa mga taga dun, hindi pa kasi namin alam kung ano yung kinukuha nila. Nalaman ko nalang lately sa DIY Travel Philippines na Sea Urchins pala yung mga bilog-bilog na yun. Pagkakuha nila nyan, binibiyak na nila sa gitna at isasawsaw sa suka yung laman. Presto! Instant merienda.

10151130_10152836444782611_118991278083509589_nSea Urchins

Around 5pm, naglabasan na yung tinatawag nilang Tempurahan sa Boulevard. Pinagtanong pa namin ‘to sa mga locals kung saan banda naka-pwesto, pero hindi daw nila alam. Hahah! Buti may napansin kaming madaming tao at pinuntahan namin dun. Ayun pala ang Tempurahan sa Boulevard. Sa Kalye lang sila naka-pwesto, naka-set up ang tables and chairs na parang may children’s party.

11350575_10152836445052611_815618669462926959_n
Tempurahan sa Boulevard

Sarap tumambay dito, chill lang at tamang foodtrip ng Fishballs, Balut at yung nagpasikat sakanila na Tempura. Para syang Kikiam na may stick.

11391503_10152836445097611_944970904299832885_n
Tempura and Balut, perfect combination!

Pagkalubog ng araw, bumalik na din kami sa hotel. Bumili muna kami ng delata sa grocery kasi may natira pa kaming kanin, ulam nalang ang kulang para sa aming dinner. Oo, sa dami naming minirienda, nag-dinner pa talaga kami. Hahah! Bumili din kami ng cup noodles para sa breakfast kinabukasan, dahil maaga pa kami para sa new adventure.

Maganda sa Dumaguete, gusto kong bumalik dahil madami pang pwedeng try na foodtrip. Simple lang yung mga tao at mababait. Next time, babalikan ko talaga ‘to pag pumunta kaming Siquijor at mag-uuwi ako ng mga kahon-kahon na Sansrival. Hahah!

Advertisements

4 thoughts on “Negros Oriental: Dumaguete

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: