Exploring South Cebu

Day 2 of our 4-day Dumaguete-Cebu Adventure – May 31 – June 3, 2015.

We left Dumaguete around 5:00am. First trip of Santander Ferry from Sibulan Port to Liloan Port. 20 minutes boat ride lang nasa Cebu na kami!

11053355_10152836445147611_7214856835395063101_n
Santander fastcraft at Sibulan Port

Pagdating sa Liloan Port, kinontak namin si Kuya Eboy, our habal-habal driver. First destination namin is Aguinid Falls in Samboan, Cebu. 5 levels ang falls na ‘to, so, it means, may kasamang trekking! Hahah! Entrance fee is 20/head then may naka-assign na guide para samin dalawa. Walang fix na bayad sakanila, tip nalang. Meron din silang lagayan ng mga gamit, kung dala nyo yung mga backpack nyo tulad namin. Free of charge yun, pabantay nyo nalang sa habal-habal driver nyo.

10891431_10152840416782611_5449639634956837192_n
Welcome to Aguinid Falls!

Yung level 0-2, pwede sa mga kids tsaka madali lang yung trek papunta dun. Level 3 is pang adult na, according sa mga guide namin, 6ft. daw yun kaya hindi kami dun nag-swimming. hahaha! Pagdating sa Level 3, meron kang aakyatin na bato para makarating sa Level 4. Mahirap yung pa-akyat, syempre duwag kaya feeling ko mahirap at nakakakot. hahah! pero sabi nga “Conquer your fear”  tsaka sabi nila, madali naman daw yung pag-baba at totoo naman yun, kaya yung pagbaba ang meron kaming picture. haha

1378879_10152840436237611_1661085255634187645_n
Mukha lang syang madali, pero steep talaga sya. May mga butas naman para tapakan at dun ka hahawak. Parang sa wall climbing, ang pinagkaiba lang, may umaagos na tubig dito. haha! 

11401587_10152840436182611_2847171267414155353_n
Level 4!

11403483_10152840436042611_2205241499337737170_n
Yehey! Level 5! Konti lang yung tubig sa falls pero sulit! Waist deep lang, kaya dito kami nag-swim. 

After Aguinid Falls, byahe na kami ulit ng 1hr pa-Oslob, Cebu. Napa-WOW ako pagdating namin sa Heritage Park, ang ganda kasi ng mga structures nung Church nila tsaka yung Cuartel. Kaya kahit mainit, tiis tiis nalang makapag-picture lang. Haha!

 

22229_10152840443947611_7612694981441736573_n
Oslob Heritage Park

11034163_10152840446292611_214995613111410808_n
Lakas maka-Korean Novela nung puno. Hihih!

Matapos magpa-araw, direcho naman sa Tumalog Falls. 10 mins away lang from Heritage Park. Pagdating sa Tumalog Falls, lumipat kami sa ibang habal-habal and we pay 40 pesos roundtrip.

10177253_10152840448022611_1520357235745585031_n
Galing ng photographer / guide namin. 😀

Agahan nyo yung punta para hindi masyadong matao. Weekdays pa ‘to pero madami-daming turista pero konti yung tubig sa falls. hahah sad!

Sandali lang kami sa Tumalog Falls, kasi hinahabol namin yung boat going to Sumilon Island

Day 3 of our 4-day Dumaguete-Cebu Adventure – May 31 – June 3, 2015.

After our Sumilon Island Adventure, Punta na kami ng Cebu City pero dumaan muna kami sa Sibonga Cebu to visit the Miraculous Simala Church. Sumakay kami ng Ceres Bus, sabihin nyo lang sa Sibonga papuntang Simala, 1 and 1/2 hour travel time. Then sakay naman ng habal-habal papunta sa mismong church. Fare sa habal-habal is 20 pesos /head/way and travel time is 20 mins.

Pagdating sa Simala Church, hindi pwede ang naka-shorts or sando. Pwede ibalot yung sarong kung naka-shorts ka. Si Moo naman, since naka-sando sya, muntik na sya hindi makapasok. Buti nalang may nagpapa-rent ng Sarong dun for 20 pesos.

11401123_10152840447917611_8623567104950502329_n
Tadaaa! Ang ganda! Church yan, hindi castle. hehe

11406572_10152840449242611_9207786148488769017_n
Dino-donate nila yung mga bagay na ginamit nila pagka-grant nung prayers nila. Ang galing! Miraculous nga kasi. 

Medyo natagalan kami dito kasi malawak yung church at syempre nag-pray din. Meron din silang parang museum, andun nakalagay yung iba’t-ibang saints.

Pagbalik namin, may nadaanan kaming sakayan ng van going to Cebu City kaya hindi na kami pumunta pa sa kanto ng Simala Church para sumakay ng bus.

Ganda ng experience namin sa South Cebu kahit hindi kami nakapag-whale watching. Canyoneering? Nung 2015 kasi wala akong nababasang blogs tungkol dun kaya hindi rin namin na-experience. Pero gusto kong bumalik para sa Moalboal, swimming with the sardines! 😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: